Alden, Maine nagbigay ng tagos sa pusong love advice sa AlDub fans

maine mendoza at alden richards

EUROPE bound sina Alden Richards at Maine Mendoza sa shooting ng kanilang next movie. Kailangan daw nilang habulin ang summer season sa bansang kanilang pusyutingan kaya todo-todo ang kanilang preparasyong ginagawa.

Patapos na rin ngayong linggo ang serye nilang Destined To Be Yours kaya mabibigat at matitinding eksena ang kaabang-abang sa pagtatapos ng unang series ng AlDub loveteam.

Kaugnay ng DTBY, may exclusive video ito sa official website ng programa. Sumangguni talaga ang ilang fans nina Alden at Meng para sa kanilang love problems.Tagos sa puso ang advice ng dalawa na animo’y love gurus, huh!

Ngayong May 27 naman, masasaksihan on stage ang kilig sa performance ni Meng sa “Upsurge” concert ni Alden sa Kia Theater.

Read more...