Marian, Angel tinilian ng madlang pipol, pinatunayang walang galit sa isa’t isa

marian rivera at angel locsin

NAGSAMA sa isang event last Friday sina Angel Locsin at Marian Rivera kaugnay ng produktong ineendorso nila.

Siyempre, chikahan muna ang dalawa bago sumalang sa show. Eh, wala namang problema sa kanilang dalawa kahit na nga ginagawan sila ng issue.

Matagal nang magkaibigan ang dalawang aktres kaya wala nang epekto sa kanila ang mga intriga.

Sabay pa nga silang lumabas sa stage na magkahawak-kamay na talaga naman tinilian ng crowd! Kasabay naman nito ang hiling ng kanilang mga fans na sana’y magsama raw sa isang project ang dalawang aktres.

Read more...