Lalaki patay matapos tamaan ng kidlat sa Albay

albay

PATAY any isang lalaki matapos tamaan ng kidlat habang nagpapastol ng mga itik sa Tabaco City, Albay kamakalawa ng hapon, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Superintendent Vincent A. Camero, Tabaco City police chief, na base sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang biktima na si Antonio Oropesa, 35, isang residente ng Barangay Napo, bayan ng Polangui.
Tinamaan si Oropesa ng kidlat sa Barangay Pawa. Natagpuan ang kanyang sunog na katawan na nakahandusay sa ng barangay tanod na si Teofilo Arenal at ni Domingo Serrano ganap na alas-5:45 ng hapon.
Dinala si Oropesa sa Ziga Memorial District Hospital ng rumespondeng mga bumbero ngunit idineklarang dead on arrival.

Read more...