Kim mabaliw-baliw sa paandar ng magkaptid na Kardashian

KIM CHIU

KIM CHIU

MABALIW-BALIW si Kim Chiu nang sagutin ng magkapatid na Kardashian ang mga tanong na ipinost niya sa Instagram Live Stories.

Hindi kasi inaasahan ni Chinita Princess na pag-aaksayan siyang pansinin ng sikat na international stars dahil sa dami ng followers nila sa iba’t ibang bahagi ng universe.

Nagpaka-fan girl si Kim sa Kardashian sisters na sina Kim and Khloe sa Instagram Live session ng “Keeping Up with the Kardashians” stars na game na game sumagot sa mga tanong ng kanilang mahigit 200,000 followers.

Unang tanong ng Kapamilya actress kina Kim at Khloe kung may plano ba silang bumisita sa Pilipinas at kung ano ang ginagawa nilang pagda-diet.

“I would love to go to the Philippines,” sey ni Kim. Base raw sa mga nakikita niyang mga litrato sa social media mukha naman daw exciting at maganda sa Pilipinas.

Tungkol naman sa diet, sagot ni Khloe, “God, I’ve been a feast of a pig. Like a pig on steroids. I can’t stop eating. It is horrible. I have no self-control. I feel disgusting. It’s just a mess.”

Siyempre, hindi nakapagpigil si Kim Chiu sa nararamdamang excitement at sobrang kaligayahan kaya agad siyang nag-post ng mensahe sa Twitter. Aniya, “Kim and Khloe noticed my comment three times on IG live! Ang haba ng sagot! Like OMG!! It feels like I’m with them lang sa car nila!”

“OMG!!!!!! i love you kardashians!!! Nagising ako dun!!! 3x!!! like 3 questions!!! sinagot nila!!! omg!!!! daig ko pa nag kape!!!!! omg!!!! nawala antok ko!! hahaha!” hirit pa ni Kim.

Samantala, painit na nang painit ang mga tagpo sa trending at highest rating daytime series ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin nina Kim at Gerald Anderson kasama sina Jake Cuenca at Coleen Garcia.

Mas lalo pang titindi ang “showdown” sa pagitan nina Gerald at Jake para lang makuha ang atensyon ni Kim.

Abangan kung anu-anong gimik ang gagawin ni Gerald para maka-score ng pogi points kay Kim at para maungusan din si Jake sa ginagawa nitong pagporma sa babaeng matagal na niyang minamahal. Napapanood pa rin ang Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.

Read more...