Luis ibinandera ang pagmamahal kay Jessy habang nasa swimming pool

jessy mendiola at luis manzano

MULING  ibinandera ni Luis Manzano ang extra sweetness nila ni Jessy Mendiola sa pamamagitan ng isang litrato sa Instagram.

Makikita sa picture ang dalawa na magkayakap sa swimming pool habang hinahalikan ni Luis si Jessy sa noo nito. Nilagyan ito ni Luis ng caption na: “Hi wuv ko (love ko) relaxed”, with matching heart emoji.

Maraming followers sina Luis at Jessy ang nagkomento na sana’y magpakasal na ang dalawa dahil bagay na bagay sila. Pero siyempre, meron ding mga nam-bash pero dedma lang ang magkarelasyon.

Sabi ng isang netizen, sana raw ito na ang huling relationship ni Luis dahil marami-rami na rin siyang pinagdaanan. Wish din nila na huwag nang iwan ni Jessy si Luis.

Maswerte si Luis dahil makulay na ang kanyang lovelife, maganda pa ang takbo ng kanyang career. Sa nga ay magtuluy-tuloy lang ang blessings sa kanya dahil marami rin naman siyang napapasaya at natutulungang mga tao.

Read more...