JaDine pinasok sa Showtime para ipangsabong sa AlDub

nadine lustre at james reid

MARAMI ang nag-react violently sa pagpasok nina James Reid at Nadine Lustre sa number one noontime show, ang It’s Showtime. Regular na kasi ang JaDine loveteam sa It’s Showtime at tila hindi ito matanggap ng bashers nila.

“Manifestation of their dwindling bankability. From primetime to tanghali. E kasi naman. Flop na nga nega pa attitude,” mataray na say ng isang baher.

“Good for them. Lalong dadami fans nila na masa since may recall sila every weekend. Smart move for their LT. Bagay sila sa Showtime cause they could perform as well apart from being hosts,” sagot ng faney ng dalawa.

“Jadine will be great addition to Showtime. Good management decision. All the best Kapamilya!!! May katapat na ang AlDub sa tanghali!” paniwala naman ng isang JaDine lover.

“Dyan kayo magaling mang bash sa Jadine. Masyado nyong pinahahalata na threatened kayo para sa mga idols nyo. Kahit anong nega comment nyo sa 2 ito, it doesn’t hide the fact na madami din silang fans, kaya mainis kayo,” depensa naman ng isa pang JaDine fan.

Read more...