UMARYA muli ang pagiging fan girl ni Maine Mendoza nang malaman niyang nasa Manila ang Canadian YouTube sensation na si Lily Singh. Ayon sa ilang reports, number 3 si Singh sa Forbes ng highest paid YouTube Star for 2016.
“OMG @!!Superwomanll IS HERE IN THE PHILIPPINES OMGGGI BADLY WANT/NEED HER OR SOMEDAY JUST TELL HER I LOVE HER,” tweet ni Maine.
Rumesponde naman si Singh sa tweet ni Meng. Anito, “How sweet! Thank you! I hope to meet you one day as well.”
Bilang reply naman ng Kapuso Phenomenal Star, “Omggggg!!!! I love you, Lily! Stay real.”
Produkto rin ng social media si Maine dahil sa kanyang dubsmash videos na naging daan para siya’y sumikat. Kaya naman knows niya kung ano ang background ni Lily, huh!
MOST READ
LATEST STORIES