Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Myanmar vs Indonesia
5 p.m. Singapore vs Thailand
7 p.m. Philippines vs Vietnam
Team Standings:
Indonesia (4-0); Philippines (4-0); Thailand (3-2); Malaysia (2-3); Vietnam (1-3); Singapore (1-3); Myanmar (0-4)
SA ikaapat na diretsong laro ay halos walang kahirap-hirap na nagwagi ang Gilas Pilipinas men’s basketball team na tinambakan ang Thailand, 108-53, kagabi sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) championship sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Katabla ngayon ng host Pilipinas ang Indonesia na may 4-0 record din.
Nakatakdang magsagupa ang Pilipinas at Indonesia sa Huwebes na kung saan ang magwawagi ay tatanghaling kampeon ng torneyo.
Samantala, pinayagan na ng organizers na makapaglaro para sa Indonesia ang naturalized player nitong si Jamarr Johnson at ang Indonesian-American na si Arki Wisnu umpisa ngayon kontra Myanmar.
Sa ibang laro ay tinisod ng Malaysia ang Vietnam sa overtime, 86-85, para sa ikalawa nitong panalo sa limang laro habang binigo naman ng Singapore ang Myanmar, 85-32, para sa una nitong panalo.
INQUIRER PHOTO
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.