Totoo ba, Dennis namanhikan na raw sa pamilya ni Jennylyn?
KUMALAT ang chika na engaged na raw sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ito’y matapos lumabas ang balitang namanhikan na raw ang pamilya ng Kapuso Drama King sa Ultimate Star ng GMA 7.
Sa presscon kamakalawa ng bagong fantasy series ng Kapuso Network na pinagbibidahan ni Dennis, kasama sina Lovi Poe at Heart Evangelista, ang Mulawin vs Ravena, isa ito sa mga isyung diretsong sinagot ng binata.
Ayon kay Dennis, totoong nagsama-sama ang pamilya niya at family ni Jennylyn, pero nangyari raw ito nu’ng celebration ng kanyang 36th birthday kung saan present din ang kanyang anak na si Calix.
“Wala pang ganu’n. Wala pong nangyaring pamamanhikan. It was just a simple birthday celebration. Siguro akala nila namanhikan dahil magkakasama nga kami,” paliwanag ni Dennis.
“Nakakatuwa nga dahil nagkakasundo sila (pamilya nila ni Jen), na okay ang relasyon nila. Ang saya lang dahil nagkaroon kami ng chance na magkasama-sama sa espesyal na araw ng buhay ko,” chika pa ng binata.
Hindi rin daw totoo na nag-propose na siya kay Jen sa nakaraang birthday party ng aktres na ginanap sa isang events place (with swimming pool) na ginawang “Inflatable Island” na naging rave party kinagabihan.
“Mangyayari naman ‘yan, kapag oras na. Hindi ko masabi, e. Basta naniniwala ako na may tamang panahon para sa lahat ng bagay,” hirit ni Dennis.
Dagdag pa ng binata, chill-chill lang daw ang relasyon nila ni Jennylyn, lalo na ngayong pareho na silang magiging busy uli sa kani-kanilang teleserye – si Dennis sa Mulawin vs Ravena at si Jen sa My Love From The Star.
Pero ayon sa binata, sisi-guruhin niya na meron pa rin silang quality time ni Jen para sa isa’t isa, “Kapag gusto mo naman talaga, laging may paraan. Balanse lang dapat, kailangan hindi puro trabaho. Dapat may time ka pa rin para sa mga taong malalapit sa ‘yo.”
Speaking of Mulawin vs Ravena, magsisimula na itong lumipad sa May 22 sa GMA Telebabad. Gagampanan ni Dennis ang karakter ni
Gabriel, ang magiging pinuno ng mga Ravena at titingalaing hari ng Halconia. Ngunit mapapasabak sa matinding hamon ang kanilang kaharian kontra mga Mulawin.
Makakasama sa napakalaking proyektong ito sina Kapuso Premier Actress Lovi Poe as Magindara, the goddess of the sea and daughter of Sandawa, ang immortal goddess of nature at keeper ng Mt. Apo na gagapanan ni Regine Velasquez; at si Carla Abellana bilang Aviona, one of the most respected and well-loved Mulawin.
Ka-join din sa cast si Heart Evangelista-Escudero bilang Alwina, ang tagapagligtas ng mga Mulawin at mga mortal, Tom Rodriguez as Rodrigo, isang tao na naging asawa ni Aviona; at Ariel Rivera bilang Panabon, re-presentative ng mga Tabon.
Nandito rin sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Kiko Estrada, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Angelu De Leon, Bobby Andrews, Joko Diaz, Martin del Rosario, Charee Pineda, Nova Villa, Roi Vinzon, Valerie Concepcion, JC Tiuseco, David Licauco, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Winwyn Marquez at TJ Trinidad.
Ang Mulawin vs Ravena ay sa direksyon nina Dominic Zapata at Don Michael Perez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.