Planong gawing state witness si Napoles haharagin ng Ombudsman
NANGAKO si Ombudsman Conchita Carpio Morales na haharangin ang pagtatangkang gawing state witness ang tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
“The court has spoken. The Sandiganbayan directed the confinement of Napoles in Taguig [at the] Camp Bagong Diwa detention center,” sabi ni Morales.
Ito’y matapos ang pag-uusap sa pagitan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at mga abogado ni Napoles na mailipat ang huli sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters at gawin itong state witness.
Noong Lunes, iginiit ng Sandiganbayan First at Third Division ang naunang desisyon na sa Camp Bagong Diwa ito ikulong sa kabila ng resolusyon ng Court of Appeals na baliktarin ang naunang desisyon ng isang korte matapos siyang masintensiyahan ng habambuhay na pagkakabilanggo sa kasong serious illegal detention.
“Furthermore, Napoles appears to be among the most guilty of all respondents. I’m not bothered at all. We are confident of our position. Whatever they say, let them say. We are not bothered. We’re not concerned at all by whatever they say about whether or not there is a pending agreement… between Napoles and the DOJ,” ayon pa kay Morales.
Itinanggi rin ni Morales na nagkaroon ng “selective justice” matapos namang hindi kasuhan ang mga kilalang kaalyado ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
“I don’t know about those alleged perpetrators which were overlooked by the Office of the Ombudsman, because our office is continuing its investigations against those possible persons who were involved in the PDAF controversy,” ayon pa kay Morales.
Sumulat ang abogado ni Napoles na si Stephen David kay Aguirre at nakipagkita rin siya para hilingiun na ilipat ang kanyang kliyente sa NBI headquarter dahil sa banta sa kanyang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.