Aiza kontra sa panukalang ibaba sa 9 ang edad ng batang pwedeng ikulong, kasuhan

aiza seguerra

LUMAGDA sa kasunduan si National Youth Commission chairperson Aiza Seguerra bilang pakikipagsanib-pwersa sa Film Development Council of the Philippines para sa paglulunsad ng Pista ng Pelikulang Pilipino na magaganap sa Buwan ng Wika sa Agosto ngayong taon.

Ang NYC ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng National Commission on Culture and Arts (NCAA). Ang NYC at NCAA’s Cine Kabataan ang magko-conduct ng short film competition for the youth.

“We will do a five-minute film and then, ‘yung parang pre-programming kami. Actually, like what happened to the MMFF last year. Bago mag-umpisa ‘yung movie na kasali sa filmfest, may pinapalabas muna na short film,” lahad ni Aiza

Magbibigay din ang NYC ng awards sa mapipiling Best Picture at Best Director, “Right now ang sigurado pa lang ay Best Picture and Best Director. But we’re thinking of giving more awards. Tapos at the same time magbibigay kami ng cash prize. ‘Yung presyo, secret muna.”

Nag-suggest kami kay Aiza na magbigay ng recognition sa music, TV programs at pelikula na ang mga kabataan ang pipili. Through this, they can express what kind of music, TV show and movies ang type talaga nila.

“Ah, pwede,” sambit niya. “Actually, ako I’m taking suggestions talaga and that’s a good idea. Pwede, pwede. Thank you for that,” say ni Aiza.

Kinuha rin namin ang opinyon niya tungkol sa pagbaba ng edad for criminal liability ng mga bata, from 15 ay ibababa sa siyam na taon. She’s definitely against it gaya ni Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo na sinabihan ni Sen. Tito Sotto ng “na-ano lang.”

And speaking of Sen. Tito, sinabi ni Aiza na nagkausap na sila after nang magkasalungat na pananaw nila sa condom distribution in school issue. At super tanggi rin si Aiza na magbigay ng comment sa “na-ano lang” isyu ng senador.

“Yes, nag-usap na kami at ang sinabi ko lang is, ‘Uh, Sir I apologize not for having a different side, not for having opposing opinion.’ But I apologized instead of talking to him directly, I went through social media. Doon ako nag-sorry sa kanya and he apologized also. Ako, I don’t want to comment anymore. Basta ako, nagkausap na kami,” dagdag niya.

Nakulayan nang husto ang ipinost ni Aiza na opposing statement niya kay Sen. Tito on condom distribution sa mga eskwelahan dahil sa katotohanang nadiskubre at lumaki siya sa pamilya ng Eat Bulaga kung saan isa ang politiko sa main hosts.

Read more...