NEGOSYANTE na rin pala ang Box-Office King na si Daniel Padilla.
Isa ang boyfriend ni Kathryn Bernardo sa mga may-ari ng District 8, isang gastropub na malapit nang magbukas sa San Juan.
Ito ang magiging bagong tambayan ng mga kilalang celebrities, athletes at mga high-profile personality para sa good food, drinks and music.
In fairness, mukhang naghahanda na rin si DJ para sa kinabukasan nila ni Kathryn. At sure na sure kami na talagang ibibigay niya sa kanyang girlfriend ang dream wedding nito kaya kailangang pag-ipunan na niya ito nang bonggang-bongga!
Siyempre, maraming nagdarasal na sana’y sa simbahan na nga ang ending ng love story nina Daniel at Kathryn dahil bagay na bagay naman sila. At in fairness, talagang ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan kaya naman sinuswerte sila pareho sa personal na buhay at career.
Ang mga business partners nga pala ni Daniel sa nasabing gastropub ay sina Vice Ganda, PBA stars James Yap at Marc Pingris, former PBA cager and San Juan councilor Paul Artadi, superstar DJ Ace Ramos, chef Kel Zaguirre at Ayala Land premier senior manager Charlton Yu.
Nagsama-sama nga kamakailan ang mga ito sa surprise birthday party na ibinigay ni Karla Estrada sa kanyang anak na ginanap sa Manila House, Bonifacio Global City. Present din sa selebrasyon sina ABS-CBN executives Charo Santos-Concio, Cory Vidanes at Carlo Katigbak; Vice Ganda; couple James Yap and Michela Cazzola; and of course, the better half of the trendsetting KathNiel loveteam, Kathryn Bernardo.
Former San Juan Vice Mayor and former DLSU cager Francis Zamora also felt equally at home in the presence of longtime showbiz friends and fellow cagers including James, whose son MJ is Zamora’s godson.
Isa rin sa magiging may-ari ng bagong negosyong pinasok ni Daniel ay si Francis Zamora.