2017 Mrs. Universe Asia Pacific Reyna Elena sa Sta. Rita de Cascia Santacruzan
NAPILI bilang Reyna Elena si 2017 Mrs. Universe South Asia Joyce Penas Pilarsky sa gaganaping Santacruzan bilang bahagi ng ika-60 anibersaryo ng Sta. Rita de Cascia Parish, Philam Homes, Q.C..
Maglalakad suot ang isang dramatic self-designed gown na may acrylic paint, flora na pinalilibutan ng beads at isang koronang puno ng glitters, bilang Reyna Elena (Queen Helena) ang beauty queen-fashion designer-actress.
Si Joyce Penas ay isang award-winning fashion designer here and abroad. Noong 2015, siya ang naging grand champion sa Los Angeles Fashion Week Design Competition. Nai-feature na rin sa iba’t ibang magazines ang kanyang mga creation, na umani ng bonggang review mula sa mga critics.
Meron na rin siyang nagawang pelikula, ang “New Generation Heroes” directed by Anthony Hernandez kung saan nakasama niya sina Aiko Melendez, Jao Mapa at Anita Linda produced by Tiger Films.
Going back sa sasalihan niyang Flores de Mayo, hango sa Bibliya, mayroong 36 na tradisyunal na karakter ang Santacruzan, suot ang kani-kanyang agaw-pansin na mga costume habang hawak ang mga simbolo ng pagka-Kristiyano. Ang pinakareyna sa prusisyon siyempre ay ang Blessed Virgin Mary na makikita sa pinakadulo ng sagala habang kinakantahan ng choir.
Samantala, sa mga hindi pa nakakaalam, kinikilala bilang patron ng mga ina si Santa Riza de Cascia o Patroness of Impossible Causes, mga naabusong maybahay at mga babaeng wasak ang puso. Siya ay isang Italyanang balo, na ikinasal sa murang edad at tumagal naman ng 18 taon.
Nakilala siya sa pagkakaroon ng Christian values, isang modelong asawa, at isang ina na nagpabukas sa mata ng kanyang asawa upang tumigil sa pagiging abusado. Nang mapatay ang kanyang asawa, pinigilan niya ang mga anak niya na maghiganti.
Sa kabila ng pagtataboy na naranasan niya ay natanggap naman siya sa isang Augustinian community ng mga madre, kung saan siya ay nagsagawa ng mortification of the flesh for the efficacy of her prayers.
Maraming himala ang naganap sa kanyang pagkabuhay at laging pinapakita na may dumudugong sugat sa noo at kadalasan ay may bitbit na mahalimuyak na pulang-pulang mga rosas na nagtatanggal ng di magandang amoy mula sa kanyang stigmata.
q q q
Ang Sta. Rita de Cascia Parish Church ay itinayo para sa mga residente ng Philamlife Village noong Hunyo 2, 1957 sa pangunguna ni Rufino Cardinal J. Santos. Lahat ng sub-parishes sa ilalim ng Sta. Rita Parish ay ikinonvert into parishes para makapagsilbi sa mga spiritual na pangangailangan ng parishioners nito at mga Katoliko.
Malaki na ang ipinagbago ng Sta. Rita Parish Church, mula sa pagiging fully airconditioned church hanggang sa maintainance ng kapaligiran. Sa nakapaligid na park naman nito ay maaari ring makapaglaro ang mga bata at perfect rin for photography sessions.
Bilang pagpupugay sa selebrasyon ng Piesta ni Sta. Rita, ang “Maturing as a Communion of Communities” ay ipagdiriwang mula Mayo 14 hanggang Mayo 28 sa tulong ng Organizing Committee sa ilalim ni Rev. Msgr. Daniel Sta. Maria, Parish Priest and Viscar General ng Diocese of Cubao.
Sa May 6, ipalalabas ang isang star-studded advocacy film na “Tatlong Bibe” under Regis Films and Entertainment na naglalayong i-promote ang power of prayer. Gaganapin ito sa Philam Homes Clubhouse sa Mayo 6 at magbibigay naman ng post-screening talk si Fr. Bong Bangayan.
Bubuksan ang programa mula ng isang three-suite fashion-dance revue na may Filipiniana theme at susundan ng sit-down dinner na gaganapin sa May 21, 6 p.m. sa Sta. Rita Social Hall. Ibibida rin ang mga Pillarsky’s couture collection kasama ang ilang miyembro ng Sta. Rita Parish Youth Ministry bilang models and performers.
Magiging guest model naman ang dating GMA Kapuso artist na si Steph Henares sa choreo ng dating Bayanihan member na sina Romeo Abarro at Christine Hibe.
May iba pang weekend spiritual at fun-oriented activities para sa komunidad sa koordinasyon nina Lina Tuazon, Elsa Abaricio, Fr. Herbert Santos, Joyce Pilarsky, Edith Fider at Edgar Cruz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.