Desperadang female personality dinadaan sa mamahaling regalo ang mga lalaki
NU’NG mga panahong matindi na ang kagustuhan ng isang kilalang female personality na makuha ang atensiyon at pagmamahal ng isang lalaking hindi niya makuha-kuha ay ginawa niya ang lahat-lahat ng paraan para magtagumpay lang siya.
Natural, meron siyang panlaban, ang pagiging sobrang generous sa mga taong mapapakinabangan niya sa gusto niyang mangyari.
Bonggang-bonggang magregalo ang girl sa mga taong malapit sa lalaki, give siya nang give ng kung anu-anong branded na kagamitan sa mga taong ‘yun, pero ang ending ay bigung-bigo pa rin siya.
Kuwento ng aming source na may malalim na alam tungkol sa kuwento, “Bakit naman siya tatanggihan ng mga taong nireregaluhan niya, e, pagkamamahal ng mga ipinamimigay niyang regalo? Hindi nila kayang bilhin ‘yun nang basta-basta, matagal na pag-iipon muna ang gagawin nila bago magkaroon nu’n!
“So, getlak naman nang getlak ng mga regalo ang mga kinukuha niya ang kalooban, talagang gusto na niyang makuha ang guy, asang-asa siya sa mga pangako ng mga bonggang-bongga niyang binibigyan ng mga mamahaling regalo!
“Heto na. Nu’ng makaramdam siya na wala pa rin namang nangyayari, hinintuan na niya ang pagbibigay ng regalo. Sabi siguro niya, e, ano ito, lokohan?
“Kuha sila nang kuha ng mga inireregalo niya, pero wa effect naman pala ‘yun, dahil kahit konting panahon, e, hindi siya mabigyan ng panahon ng lalaking kinamamatayan niyang makarelasyon!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.
Gumawa na lang ng sariling paraan ang sikat na female personality para magkaroon sila ng relasyon ng sikat ding lalaki sa kanyang hanay, pero wala ring nangyari, natakot ang tinatarget niyang makarelasyon sa walang habas niyang kadaldalan.
“Ahahaha! Ahahaha! Ahahaha! Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong getlak n’yo na kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito,” chika pa rin ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.