MAGKAKUTSABA ang Abu Sayyaf at local officials, ayon sa isang non-government organization (NGO) sa Sulu.
Nanawagan ang NGO, Save Sulu Movement (SSM), ng Senate investigation.
Susmaryosep! walang mangyayari sa imbestigasyon sa Kongreso dahil puro pasikat lang ang gagawin ng mga kongresista kapag nasa harap sila ng TV camera.
Pagkatapos ay wala namang silang resolusyon na gagawin.
Isa lang ang solusyon sa problema ng Abu Sayyaf: Patayin lahat ng mga opisyal na kumukupkop at nagbibigay proteksiyon sa mga bandido.
***
Sinabi ng retired Armed Forces chief na si Ricardo Visaya, na ngayon ay pinuno na ng National Irrigation Administration, noong nasa serbisyo pa siya na ang “governor, vice governor down to the village chiefs” ang nagpoprotekta sa Abu Sayyaf.
Alam ng lahat ng tao sa Sulu na marami sa mga bandido ay mga bodygulards ng governor at mayors ng iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Kung alam ni Visaya ang mga lokal na opisyal na kumukupkop sa Abu Sayyaf, bakit hindi siya nagtatag ng grupo ng mga elite soldiers upang iligpit ang mga ito?
Puro lang siya dakdak.
***
Kapag pinatay ang mga local officials na nagbibigay proteksiyon sa Abu Sayyaf, ang mga papalit sa kanila ay hindi na gagawa ng kalokohan.
Ang magiging mensahe ay kapag nakikipagsabwatan sila ay tiyak mawawala sila.
Matatakot na silang makipag-ugnayan sa Abu Sayyaf.
***
Mawawalan ng pagtataguan ang mga Abu Sayyaf kapag pinatay ang mga barangay at purok lider na nakikipag-ugnayan sa mga bandido.
Ituturo ng mga lokal na opisyal ang mga Abu Sayyaf na nakatira sa kanilang lugar dahil sila’y mapapahamak.
Sa parte naman ng militar, dapat gastusin ang intelligence fund sa pagbabayad ng mga impormante sa mga barangay at purok tungkol sa mga galaw ng mga Abu Sayyaf.
***
Alam ba ninyo kung bakit mahal ng taumbayan ang Abu Sayyaf?
Kapag kumita kasi ang Abu Sayyaf sa mga ransom payments ay ipinamamahagi nila ito sa mga tao.
Sila’y mga Robin Hood sa kanilang lugar.
Ano ang solusyon?
Make kidnapping unprofitable for the Abu Sayyaf.
Paano? The next time the Abu Sayyaf engages in kidnapping dapat ay alamin ng military intelligence ang mga malalapit na kamag-anak ng mga miyembro ng Abu Sayyaf, dukutin ang mga ito at gawin silang mga hostage.
Ganoon ang ginagawa ng mga militar noong dekada ’70 kaya’t walang kidnapping for ransom sa Sulu.
***
Noong kasagsagan ng negosasyon para sa paglaya ng 21 foreigners na bihag ng Abu Sayyaf sa Sulu noong 2000, alam ko ang blow-and-blow account.
Ang mga biktima ay dinukot ng mga bandido sa Sipadan diving resort sa Sabah, Malaysia.
The negotiations lasted five months.
May contact ang inyong lingkod sa loob ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
Ang opisyal ng ISAFP ang naging source ko tungkol sa nangyayari sa Sulu noong negotiations.
Tumataas ang ransom demand para sa mga kidnap victims habang tumatagal at nakakarating sa mga taong kasali sa negosasyon.
Halimbawa: Hihingi ng P5 milyon ang Abu Sayyaf sa isang bihag.
Magkakaroon ng negosasyon para sa bihag.
Sasabihin ng barangay kapitan sa mayor na P7 milyon ang ransom kaya’t may patong siyang P2
milyon.
Ipapasa naman ng mayor sa negotiator na pinadala ng governor na P10 milyon ang hinihi-ngi.
Sasabihin ng negotiator ni Gov sa mga military officers on the ground na P15 milyon ang ransom demand.
Ipapasa ng military officers sa governor na P20 milyon naman ang ransom payment.
Pagdating kay Gov, makikipag-usap ito sa national official na pinadala sa Sulu upang i-oversee ang negotiations.
Kapag nakausap na ni Gov at ng national official ang mga reporters na nagkokober ng hostage crisis, itataas na nila ang ransom demand sa P200 milyon.
From the original P5 million to P200 million!
Everybody happy or spread the sunshine, ‘ika nga.
Multiply the final amount by 21—the number of Sipadan hostages held by the Abu Sayyaf—and the figure is staggering or mind-boggling.
Ang national official na pinadala noon ng Pangulong Erap sa Sulu ay nakapagtayo ng columbarium sa Metro Manila galing sa ransom payments for the Sipadan hostages