Gilas Pilipinas dinurog ang Myanmar

SINIMULAN ng Gilas Pilipinas ang kampanya sa 2017 Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Men’s  Championships sa pamamagitan ng matinding panalo matapos durugin ang Myanmar, 147-40, Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Agad na rumatsada ang Gilas Pilipinas sa pagsisimula ng laro para isara ang unang yugto hawak ang 32-7 kalamangan.

Pinalobo pa ng mga Pinoy cagers ang kanilang bentahe sa 54 puntos, 66-12, sa pagtatapos ng first half para tuluyang iwanan ang Myanmar.

Umiskor si Calvin Abueva ng 22 puntos para pamunuan ang Gilas Pilipinas. Nagdagdag naman si Allein Maliksi ng 20 puntos.

Susunod naman na makakasagupa ng Pilipinas ang Singapore ngayong alas-7 ng gabi.

Read more...