Hindi tuloy maiwasang sumagi sa aming isip ang isa ring showbiz mother whose son is also going through a mental disorder.
To make matters worse, financially down ang mag-inang ito na kung hindi pa sa kabutihang-loob ng ilan nilang mga kaibigan sa showbiz ay wala silang masisilungang bahay.
Many years ago ay panauhin ng isang lingguhang talk show ang showbiz mom. Naikuwento niya ang kanyang kahabag-habag na kundisyon, dinapuan kasi siya ng isang life-threatening ailment.
Pero marami ang diskumpiyado sa kanyang kuwento. Hindi nga naman daw biro ang kanyang matinding sakit na disin sana’y ikinategi na niya.
Isa sa mga kumuwestiyon sa kanyang kalagayan ang dati nitong malapit na actress-friend. Sa halip kasi na maantig ang damdamin nito sa sob story ng showbiz mom ay nakaismid ito sabay pabulong na sabi, “‘Yan ba ang bilang na ang mga araw?”
Kung bakit ganu’n na lang kasingtigas ng bato ang puso ng dating kaibigan ay saka lang muling nanariwa sa aming alaala ang malaking atraso ng showbiz mom. We won’t go into specifics pero kauna-unawa naman pala kung bakit iniligwak niya ang showbiz mom sa buhay niya.
Sino kaming self-righteous para gamitin ang salitang “karma” sa sinapit ng showbiz mom, pero du’n umiikot ang takbo ng istorya?