Mocha wagas daw sumipsip kay Duterte, bagong posisyon sa gobyerno binatikos

mocha uson at duterte

WE’RE not surprised that netizens FUMED when Mocha Uson was appointed as Assistant Secretary at Presidential Communications Operations Office.

Nagulat. Na-disappoint. Naimbiyerna. ‘Yan ang na-feel ng mga Pinoy who felt that Mocha did not deserve her new appointment.

“What’s wrong Philippines? Wala nang pagpilian or kailangan kalidad rin nila ang qualifications, husay magsinungaling, wrong balita at galing sa haka haka at sabi sabi? anong pagsisipsip ginawa? first time in phil history ito! Pagalingan ng wala lang!” wailed one guy.

“Pataas nang pataas ang posisyon ng sipsip na ito ah. Sunod dyan Vice President na ipapalit ke Leni. Ang swerte nga naman pag dumating talagang umaapaw,” say ng isa pang guy.

“Wala raw inaapakan ang babaing yan, pero buong Pilipinas ang nainsulto,” paniwala naman ng isang Pinoy.

Ang tingin naman ng isang netizen ay nag-level up na si Mocha, “From cheap blogger to government official real quick. I can’t even. Wala ngang nagawa sa MTRCB now this? Hahaha expect more fake news to come. #ChangeScamming.”

“At least si Mocha may malasakit sa bayan, di tulad ng iba may alam nga sa pagpapatakbo ng gobyerno pangungurakot lang naman alam. Di naman hiningi ni Mocha yan, appoint nga diba? Common sense naman. She deserves it give her a chance,” depensa naman ng isang kampi kay Mocha.

Read more...