Maine naging palaban, hindi na papayag na magpaapi

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

PALABAN na ang character ni Maine Mendoza sa Destined To Be Yours, huh! Napanood namin ang eksena nila ni Thea Tolentino last Tuesday na akmang sasampalin siya pero sinangga niya ito’t tinalakan!

Sweet-sweet-an at underdog ang role ni Meng sa unang takbo ng kuwento ng DTBY. ‘Yun nga lang, bitin pa rin ang AlDub Nation dahil hindi pa bumibigay ang character ng Phenomenal Star sa kuwento bilang pagsunod sa kahilingan ng amang si Gardo Versoza.

Siyempre pa, umani ng papuri si Meng sa eksena niyang ‘yon. Hiling nga ng ilang fans, ipakita ang bagsik ni Meng kay Thea sa susunod nilang paghaharap.

Sa susunod na episodes ng DTBY, hayun at nagpakabasa sa malakas na ulan si Alden Richards para mapatawad ni Gardo. Iyakan na ang mga susunod na eksena!

Read more...