Tito Sotto ilang beses nang ipinahamak ng sariling dila

tito sotto

MEDYO mga buntot na lang ng upak ang natitikman ngayon ni Senador Tito Sotto sa social media.

Napagod na ang marami, nagsawa na rin ang malaking porsiyento, pero nang bitiwan ng kontrobersiya ang aktor-pulitiko ay lupaypay na halos siya.

Matindi ang pinagdaanang linggo ni Senador Tito, talagang binulabog niya ang buong kapuluan sa kanyang makasaysayang terminong “naano,” nadamay sa isyu pati ang kanyang pamilya.

At ang nakagugulat, pati ang mga artistang kung tutuusi’y kaibigan na ng Eat Bulaga kung ituring ay nakisali rin sa pagpapakawala ng mga negatibong komento, maraming pumansin at nagkomento sa pakikisali ni Aiza Seguerra sa isyung pinagpistahan ng buong bayan.

Sa susunod ay siguradong mag-iisip na muna nang maraming beses ang senador bago siya magpakawala ng mga salitang wala sa tiyempo, hindi na niya ituturing na comedy bar ang Senado, dahil lahat ng sabihin ng mga opisyal ng gobyerno ay minamarkahan ng publiko.

At wakasan na sana ang kuwento sa panghihingi ng paumanhin, huwag na sanang depensa pa nang depensa, ang mali ay mali at hindi maaaring gawing tama.

“Ilang beses nang sumasabit si Senator Tito dahil sa may kadulasan niyang dila. Mambabatas siya, hindi stand-up comedian, hindi comedy bar ang Senado,” komento ng isang babaeng personalidad na ayaw nang magpabanggit ng pangalan.

Read more...