Tito Sen napag-iwanan nina Vic at Joey sa ‘One Ball University’ ng Iskul Bukol

tvj

BIASED or biased (yes, wala kaming pamimilian), we can’t help but draw a comparison sa individual brand of comedy o pagpapatawa ng magkapatid na Tito at Vic Sotto and Joey de Leon collectively known as TVJ.

Biased dahil sa kanilang tatlo, we had been privileged to work with JDL for many years, thus, naroon ang pagiging malapit sa kanya bukod pa sa aming common penchant for nicotine backstage.

Sa kanilang tatlo, kilalang “berde” (or with sexual undertones) ang mga jokes ni Tito Joey. Jologs at abot ng masa, much of it is understandably reflective of his colorful Manila roots.

Take each joke at its face value, hindi na kasi ito kailangang hanapan ng mas malalim na kahulugan.

Pero minsan na ring ipinahamak si Tito Joey ng kanyang mga facetious jokes. Dalawang beses, kung hindi kami nagkakamali sa tanang pagsasama namin sa Startalk.

Una’y makaraan ang makasaysayang stampede sa pinagpalabasan noon ng rival noontime program ng Eat Bulaga, that of Willie Revillame’s which claimed scores of lives at marami rin ang nasaktan.

Bagama’t hindi naman ill-intentioned ang banat ni JDL sa EB (na mangiyak-ngiyak pa niyang ipinaliwanag sa Startalk), nauna na siyang kastiguhin ng publiko.

Sinundan ‘yon ng insidenteng ikinasawi ng ilang mountaineers sa Mt. Everest, kung saan umani ng maraming negatibo, if not cursing comments ang kanyang social media entry na, “May they Everest in piece” (kung ito nga ang mga eksaktong kataga roon).

Kung tutuusin, compared to “na-ano lang” joke churned out by Sen. Tito Sotto ay mas insensitive, distasteful at ‘di hamak na heartless ang dalawang biro ni Tito Joey where death—in whatever form, anuman ang sanhi, natural or otherwise—should never be made as a source of fun.

But soon after, nakalimutan na rin ‘yon. Only the archives have existing memories of it.

By sheer comparison, wala ‘yon sa kalingkingan ng “na-ano lang” joke ng ka-comic troika ni Tito Joey.

Wala naman kasing mga fatality o casualty involved but alive single mothers yet nagpapakamatay sa buhay magampanan lang ang kanilang tungkulin.

Ergo, should we be less hostile toward Sen. Tito? Perhaps.

But we cannot negate the fact na bagama’t less flippant ang dating ng joke ng senador ay isa siyang supposedly respected figure in government, a formal suit-wearing lawmaker pa mandin who’s expected to uphold basic laws rather than break or violate them.

And yes, isang kapitaga-pitagang pigura na hindi na kailangan pang humalo sa pagpapatawa ng mga batikang komedyante sa Eat Bulaga only to lug around the joke box patungo sa Senado.

Iwanan ni Sen. Tito ang mga hindi naman nakakatawa niyang jokes sa Broadway Centrum, or better yet in his garage beside the stack of useless flat tires na pinagmumuran lang ng mga lamok.

q q q

Which brings us sa istilo naman ng simpleng pagpapatawa ni Bossing Vic.

With Vic, magagawa niyang hindi na pausuhin ang mga punchline sa batuhan ng mga dayalogo sa mga eksena sa pelikula.

Kilos at mga nuances pa lang ni Vic ay nakakatawa na, no further need to force or enforce laughter mula sa script.

Neither does Vic have to resort to slapstick comedy makapagpatawa lang. Successfully, gradweyt na si Vic sa palasak na uri ng komedyang nauso noon.

Yes, one of the two Escalera brothers has since graduated from One Ball University, habang ang kapatid niya—na umasenso man sa ibang larangan—ay hindi pa rin ipinapasa sa klase ni Miss Tapia.

Read more...