OWWA Reintegration Program

DEAR Ms. Soriano,

Gusto ko lamang bigyang linaw ang napalathala sa inyong pahayagan sa pamamagitan ng inyong kolum na Aksyon Line na may pamagat na “Asawa ng OFW nais magnegosyo” at nai-post sa social media noong alas-12:10 ng hapon noong Abril 1.

Maaaring nagkaroon lamang ng kalituhan sa inyong mga kasagutan na nailathala ninyo base sa radio interview sa inyong lingkod, Josefina I. Torres, na patungkol sa job fair sa mga stranded na manggagawa sa Saudi Arabia at hindi sa reintegration program ng OWWA.

Para sa kalinawan ng iyong sender na si Gng. Samantha Natividad ng Julio Nakpil st., Malate, Maynila at gayundin sa mga miyembro ng OWWA at kanilang mga kaanak, narito ang Reintegration Program ng OWWA:

Balik-Pilipinas! Balik-Hanapbuhay! Program (BPBH)—Ito ay isang non-cash o hindi perang ibinibigay ng aktibo o hindi aktibong miyembro ng OWWA na hindi nakatapos ng kanilang kontrata sa bansang pinaglingkuran sanhi ng mga sumusunod na kondisyon: giyera o political conflicts, reporma o pagbabago sa polisiya sa bansang pinagtatrabahuhan, o biktima ng illegal recruitment, o kaya naman human trafficking at iba pang hindi magandang kondisyon at sitwasyon na naging dahilan ng pagkawala ng trabaho ng OFW.

Halaga ng livelihood assistance sa BPBH— Ang BPBH ay programa na livelihood assistance package na nagkakahalaga ng P10,000 na kinapalolooban ng mga sumusunod 1. techno skills o entreprenurial training 2. starter kits/goods; o 3. iba pang serbisyo kung saan ang benepisaryong OFW ay makakapagsimula ng maliit na negosyo na mapagkakakitaan.

Ang mga kwalipikadong mag-avail— Ang mga puwedeng mag-avail ng BPBH ay mga OWWA active members o non-active members sanhi ng mga kadahilanan

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...