Mr. Legislator nininerbyos sa pagkanta ni Napoles

IWAS muna sa mga kontrobersiyal na isyu na may kaugnayan sa pork barrel ang isang sikat na mambabatas.

Ito ang dahilan kaya hindi siya nagbibigay ng komento sa naging desisyon ng Court of Appeals kaugnay sa usaping kinasasangkutan ni Janet Lim Napoles, ang sinasabing pork barrel queen.

Sinabi ng ating Cricket na alam ni Mr. Legislator na darating rin ang oras na masasabit sila sa isyu dahil sa totoo naman ay nakinabang rin sila sa mga projects ng tinaguriang pork scam queen.

Pero ang nakakatawa, ayon sa aking Cricket ay talagang halos ma-praning na si Sir sa kakaisip sa problemang papalapit sa kanya.

Hindi na rin daw siya gumagamit ng mamahaling mga ballpen at sign pen lalo na kung ang tatak ay “Mont Blanc”.

Ito kasi ang nagpapa-alala sa kanya ng koneksyon sa nasabing sikat na negosyante.

Sinabi ng aking Cricket na binibigyan ni Napoles ng naturang sikat na brand ng pen ang kanyang mga malalapit na katransaksyon sa negosyo tulad ng mambabatas na bida sa ating kwento ngayong araw.

Yung branded pen na binigay sa mambabatas ay sinasabing binili sa isang sikat na tindahan sa Makati City.

Nagkakahalaga ito ng P35,000 at naka-engraved dito ang pangalan ng mambabatas.

Pero nang pumutok ang pork barrel scam ilang taon na ang nakalilipas ay hindi na niya muling ginamit ang naturang pen.

Lalo pang kinabahan ang ating bida ng lumabas ang mga larawan na kasama nila si Napoles kung saan ay kanyang sinabi na bilang isang pulitiko ay hindi nila sinasala ang mga taong gustong magpa-picture na kasama sila.

Ngayong lumabas ang mga balita na willing na maging state witness si Napoles ay mas lalong naging maingat si Sir sa kanyang mga kilos.

Ang mambabatas na naghahanda na ng magandang dahilan para maiiwas ang sarili sa napipintong pagdawit sa kanyang pangalan sa pork barrel scam ay ai Mr. F….as in Frappe.

Read more...