Papa Jack nabwisit kaya biglang lumipat ng Radio Station, may bagong pangalan

papa jack

WE were informed na kaya pala lumipat ng radio network itong si Papa Jack ay dahil hindi niya nagustuhan ang move ng kanyang former station na ilagay siya sa noontime slot.

Malakas pala talaga ang MOR noontime slot ng ABS-CBN and Manila Broadcasting Company felt na si Papa Jack lang ang puwedeng tumapat dito.

But Papa Jack felt it was a demotion siguro dahil pinaghaharian na niya ang evening slot at talagang nakahakot na siya ng avid listeners kaya naman nag-resign na siya out of frustration nang sabihin sa kanyang ililipat na siya sa noontime slot.

Isa pa, malaki rin naman ang offer ng kanyang current station ngayon, something like P50,000. Bukod doon, may percentage pa siya sa mga endorsement sa radio show niya.

And since the name Papa Jack belongs to MBC, may bagong name na pala ang popular radio host, Papa Jackson. Ang tanong lang diyan, ‘yung mga loyal listeners kaya niya sa kabilang istasyon ay lumipat din?

Read more...