Sandara Park: Ayoko sa lalaking macho, hindi kami bagay!

sandara park

BAWAL palang mag-boyfriend ang Korean star na si Sandara Park. Nasa kontratang pinirmahan niya ito with her Korean management.

Pero sabi ng Pambansang Krung Krung, wala naman daw siyang magagawa kung biglang dumating ang kanyang Mr. Right, “Sobrang pagod ako, (sa trabaho). Pero siyempre kung mayroon diyang prince charming na siya talaga yung crush ko, siyempre puwede magkaroon ng boyfriend.”

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Sandara na wala raw siyang manliligaw ngayon, “Pero marami akong friends na guys. Walang Filipino suitors pero marami naman akong ka-close. Yung mga guy friends ko, dahil sobrang close kami, we cannot imagine na magiging boyfriend and girlfriend.”

Ano ba ang qualities na hinahanap niya sa isang lalaki? “Gusto ko yung meron kaming same interest sa music or sa cats or sa fashion. Ayaw ko ng macho kasi I’m really petite so kung may macho akong kasama, parang feeling ko hindi bagay.”

Read more...