Lani Mercado nag-sorry sa madlang pipol matapos ibalitang patay na si Imelda Marcos

imelda marcos at lani mercado

NABIKTIMA ng pekeng balita si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla!

Nag-tweet kasi ang misis ni former Sen. Bong Revilla na patay na raw si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na ikinagulantang ng mga netizen.

“Our condolences to the Marcos Family. It was a pleasure and privilege to work with Cong. Imelda Romualdez Marcos,” ang ipinost ng actress-politician sa kanyang Twitter account.

Matapos ang ilang minuto ay agad ding binura ni Lani ang kanyang mensahe. Nag-react din ang mga netizen sa nasabing post, may mga nagsabing hindi raw muna nag-verify ang kongresista sa natanggap na balita at agad nang nag-post sa social media.

Inamin naman ng aktres na siya ang nagkamali at humingi agad ng paumanhin kay Imelda Marcos at sa pamilya nito.

“I would like to apologize for my tweet which I have erased. I received a news break message informing the public about Mrs. Marcos,” ang tweet muli ni Lani.

Ayon sa staff ni Mrs. Marcos, maayos na maayos daw ang kundisyon ngayon ng 87-year-old na kongresista.

Read more...