Naghahanap ng syota? | Bandera

Naghahanap ng syota?

Joseph Greenfield - June 08, 2013 - 06:24 AM

Sulat mula kay Jerome ng Bagolatao,  Minalabac, Camarines Sur
Dear Sir Greenfield,
Tawagin mo na lang akong Jerome.  Umabot ako sa edad na 27 nang hindi nakapag-girlfriend ni minsan. Sa ngayon ay nagta-trabaho ako bilang collector ng loan company at okey naman ang suweldo ko rito. Naisipan ko pong sumulat sa inyo kasi gusto ko nang magka-girlfriend at mag-asawa. Sana masagot ninyo ang tanong ko kung kailan ako makakahanap ng girlfriend at makapag-aasawa? July 7, 1986  ang birthday ko.
Umaasa,
Jerome ng Camiares Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa
iyong palad. Ibig sabihin kahit na 27 years old ka na sa kasalukuyan, hindi ka dapat mag-alala, dahil tiyak na magkaka-girlfriend ka sa taon ding ito ng 2013 at makapag-aasawa, sa susunod na taon 2014 sa edad mong 28 pataas.

Two of Hearts, Jack of  Clubs at Ten of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa uwan ng Oktubre, isang babaing may initial na B. o kaya’y J. ang iyong makikilala, siya ang magiging girlfriend mo hanggang sa tuluyang mapangasawa.
Itutuloy…..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending