P28M nasungkit sa Palawan

  lotto for site
Isang mananaya sa Palawan ang nanalo ng P28.1 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola Sabado ng gabi.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang tumaya ang nag-iisang winning number combination na 18-42-29-13-36-38 sa Puerto Princesa.
    Mayroon siyang isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO.
    Nagkakahalaga ng P18.2 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
    Nanalo naman ng tig-P25,000 ang 31 mananaya na nakalimang numero. Ang 1,301 mananaya na nakakuha ng apat na numero ay nanalo ng tig-P560 at ang balik-taya (P20) ay 19,630 mananaya.
    Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

 

Read more...