KASUWERTE naman nitong si Jodi Sta. Maria.
Aside from younger leading men sa upcoming movie niyang “Dear Other Self”, aba’y nakaplantsa na rin pala ang susunod nitong teleserye.
Sa kanyang latest movie ay makakasama niya sina Xian Lim at Joseph Marco at sa teleserye naman ay makakatambal niya sina Robin Padilla at Richard Yap.
“Rater naman talaga si Jodi bukod sa mahusay itong aktres,” tsika ng aming source sa isang business unit ng ABS-CBN.
Big no-no nga lang daw talaga na pag-usapan ang lovelife nito at balitang may deal si Jodi na never itong magsasalita at all tungkol sa kanyang personal na buhay, lalo na ang isyu sa kanila ng kanyang boyfriend na si Jolo Revilla.
Kaya huwag na raw tayong umasa na makakarinig pa tayo ng update sa lovelife ng Jodi dahil “bawal na bawal” itong pag-usapan in public. May ganu’n!