Female star pinaretoke ng sugar daddy

BLIND ITEM FEMALE 0415
ANG kasaysayan nga naman kapag binalikan. Biglang nagkakaroon ng saysay. Tulad na lang ng kuwento tungkol sa isang pamosong female personality na meron palang kakaibang nakaraan.

Kuwento ng mga dating nakakasama ng babaeng personalidad ay matagal din siyang “hinawakan” ng isang kontrobersiyal na personalidad sa linyang kinabibilangan nito.

Grabe kunong magtapon ng salapi nu’n ang male personality, parang ginupit-gupit na papel lang daw kung mamigay ng datung ang may edad nang taong ‘yun, at isa nga sa mga nagkaroon ng pagkakataong mahatagan nu’n nito ay ang sikat nang female personality ngayon.

Sabi ng isang source, “Lahat ng enhancement na ipinagawa niya nu’n, ‘yung male personality ang gumastos para sa kanya. Napakalayo na ng itsura niya ngayon sa dati. Halos wala nang natirang natural sa mukha at katawan niya, tinurukan na ng heringgilya lahat!

“Kung makikita n’yo ang mga old photos niya ngayon, e, mamamangha kayo! Ibang-iba! Napakalayo na sa itsura niya ngayon. At ang umako sa payment ng lahat ng pinagdaanan niyang pagpapaopera, e, ‘yung may edad nang taong naging azucarera de papa niya nu’n!” madiing-madiing kuwento ng impormante.

Marami ring female personalities na nakarelasyon ang kung tawagin ng marami nu’n ay bonggang-bonggang papa. Ang isa ay may pamilya na ngayon, musikero ang napangasawa nito, pero napakaraming kuwento sa likod ng relasyon nila ng bonggang papa ng bayan.

“Pero kabog siya ng sikat na female personality ngayon, walang-wala ang kabonggahan niya nu’n sa naranasan ng girl! Pinasalamatan niya kaya ang bonggacious niyang papa nu’ng manalo siya?

“Baka naman nagka-amnesia na rin siya? Naku, kailangan niyang mag-look back, dahil napakalaki ng dapat niyang ipagpasalamat sa taong ‘yun!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilala n’yo ang bumibidang female personality sa kuwentong ito, pramis! Just look back!

Read more...