Sulat mula kay Francine ng San Vicente, Orion, Bataan
Dear Sir Greenfield,
Aaminin ko po na hanggang ngayon sa edad kong 27 ay wala pa rin akong boyfriend, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend? May mga nanliligaw naman sa akin kahit na papaano ang kaso hindi sila seryoso. Sa totoo lang sa edad kong ito never been kissed, never been touched pa rin po ako. Kaya ask ko sana kung sa taon kayang ito ng 2017 ay magkaka-boyfriend na ako? Kung magkaka-boyfriend na ako sino siya at kailan ko po kaya siya makikilala? July 2, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Francine ng Bataan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sadyang may malinaw na Guhit ng Pakikipag-boyfriend o Guhit ng Pakikipag-relasyon (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Malinaw na tanda na hindi ka maiinip, sa malapit na hinaharap, matutupad din ang malaon mo ng pangarap – sa taon ding ito ng 2017 sa edad mong saktong 28 o bago mag-28 bigla kang magkaka-boyfriend.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Nine of Heart at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Hunyo o kaya’y Hulyo, isang lalaking mas bata sa iyo ang darating, habang bumubuhos ang ulan, isang mainit at romantikong relasyon ang mabubuo.
Itutuloy…