Oportunidad sa trabaho, pinaigting | Bandera

Oportunidad sa trabaho, pinaigting

Liza Soriano - May 05, 2017 - 12:10 AM

PATULOY pang pinalalakas ng Department of Labor and Employment ang kampanya upang matugunan ang kakulangan sa trabaho sa bansa.

Ang serbisyo sa employment facilitation sa publiko ay kinabibilangan ng mga job fairs; labor market information (LMI) dissemination; ang online job portal na PhilJobNet; at ang mga programang pantrabaho para sa kabataan tulad ng Special Program for Employment of Students (SPES), Government Internship Program (GIP), at ang JobStart Philippines Program.

Sa unang sampung buwan, ang DOLE, sa pamamagitan ng Public Employment Service Offices (PESOs) ay nagsagawa ng 1,543 nationwide job fairs na dinaluhan ng 638,884 jobseekers. Sa kabuuan ng mga naghahanap ng trabaho, 119,660 ang hired-on-the-spot (HOTS) sa mga lumahok na job applicants.

Liban naman sa pagsasagawa ng mga job fair, ang PESO ay nakapag-refer na rin ng 1,795,806 qualified jobseekers at 85% o 1,531,358 sa kanila ang natanggap sa trabaho.

Sa kaparehong mga buwan rin, may kabuuang 2,479,582 indibidwal at 58,643 institusyon ang nabigyan ng napapanahong labor market information sa pamamagitan ng mga materyales sa impormasyon at edukasyon na regular na inilalathala at inilalabas ng Bureau of Local Employment (BLE).

Ang kahalagahan ng tamang kaalaman sa labor market information upang mabigyan ng abiso ang mga jobseekers at mag-aaral habang namimili sila ng karera o propesyon na kanilang papasukan.

Mas pinadali na rin ng DOLE para sa mga aplikante ang paghahanap ng trabaho at para sa mga employer ang paghahanap ng manggagawa sa tulong ng PhilJobNet, ang internet-based job at applicant matching system ng DOLE.

Mula noong Hulyo noong nakaraang taon hanggang Marso 2017, may kabuuan ng 110,940 job vacancies ang nailathala sa PhilJobNet na nagmula sa 1,061 accredited/validated na establisimento. Habang mayroon nang 18,036 jobseekers ang nagparehistro sa nasabing portal.

Sa pamamagitan rin ng BLE, ang DOLE ay nakapagbigay ng trabaho sa kabataang Pilipino dahil sa mga programa tulad ng SPES, GIP, at JobStart.

May kabuuang 67,386 na mahirap subalit karapat dapat na mag-aaral, out-of-school youth, at dependents ng mga manggagawang nawalan ng trabaho ang nabigyan ng oportunidad na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa tulong ng SPES– ang employment-bridging program na naglalayong mabigyan ang mga benepisyaryo ng pansamantalang trabaho tuwing bakasyon, Pasko, at iba pang panahon sa taon.

Samantala, mayroon ring 12,018 Pilipinong graduate ng kolehiyo ang nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho bilang intern sa gobyerno sa pamamagitan ng GIP.

Ang GIP ay naglalayon na mapalakas ang kasanayan ng mga kabataang graduate sa tulong ng pagsasanay sa kanila sa serbisyo sa pamahalaan. Karamihan sa mga GIP ay itinalaga sa frontline at technical support services.

Sa tulong naman ng gobyerno ng Canada at ng Asian Development Bank (ADB), ang DOLE ay nakapagbigay rin sa kabataang Pilipino na nasa estado ng “not in employment, education, or training (NEET)” ng full-cycle employment facilitation services sa pamamagitan ng programang JobStart.

Mayroong mga nakahanap ng trabaho habang at matapos dumaan sa life skills training at ang iba naman ay nagtuloy tuloy sa technical skills training sa loob ng tatlong buwan at sa mga company-based internships ng hanggang anim na buwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending