Tambalang Pia-Xian sa Bb. Pilipinas OK na sana, pero…

pia wurtzbach at xian lim

HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang hindi ganu’n kabongga at ka-impressive na hosting skill ni Pia Wurtzbach sa nakaraang Binibining Pilipinas Coronation Night.

Mas kinarir nga raw ng dating Miss Universe ang mga pabulosang kasuutan nito kesa sa dapat na pagpapakitang-gilas sa pagho-host.

At kahit beterano nang matatawag si Xian Lim na siyang naging co-host ni Pia that night, marami pa ring kapalpakan ang aktor at halata pa rin daw ang nerbyos nito.

Well, nakita naman namin ang ilang portion ng kanilang pagiging host at mukhang klik naman sila together. They both look good on screen at articulate rin naman sila.

Yun nga lang, hindi rin namin feel yung madalas nilang pagsasalita nang sabay with high pitches na para bang nagtitilian sila sa excitement o sa pagbibigay ng surprise announcements.

Read more...