Mahal kong Liza,
Di mo man naitatanong, ako ay laging nagbabasa ng iyong kolum. Ngayon, ako naman ang hihingi ng payo kung ano ang aking dapat gawin sapagkat ang aking utol ay naaksidente at naging imbalido. Anu-anong benepisyo ang matatanggap ng kapatid ko sa ECC. Siya ay nasa oras ng trabaho noong siya ay maaksidente. Siya ay nagtatrabaho sa isang private company. Sana ay matulungan mo ako. Maraming salamat.
Lubos na umaasa,
Hornie
Dear Hornie,
Ang Employees’ Compensation Program (ECP) ay nagbibigay ng mga sumusunod na benepisyo sa mga manggagawang nagkasakit o naaksidente nang dahil sa trabaho. Ang mga benepisyong ito ay loss of income benefit-ito ay benepisyong nauukol sa pagkawala ng kita sa pagliban ng manggagawa dahil sa kanyang pagkakasakit o pagkabalda. Meron tayong temporary total disability, maari itong bayaran nang hindi hihigit sa 240 araw kung ang pinsala ay nangangailangan ng mahabang panahon nang panggagamot. Ang pinakamataas na daily income benefit ay P200.00. Kung ang kapatid mo naman ay nawalan ng parte ng katawan o ng gamit nito siya ay mabibigyan ng permanent partial disability benefits (PPD). Ito ay buwanang pensiyon. Kung ang itinakdang pensiyon ay hindi katumbas ng isang taon, maari itong bayaran ng lumpsum. Pwede din ang kapatid mo ay makatanggap ng permanent total disability benefits kung siya ay nawalan ng dalawang paa o bisig, pagkabulag ng dalawang mata, pinsala sa utak na nagbunga ng pagkasira ng kaisipan o temporary total disability na humigit sa 240 araw. Ito ay buwanang pensiyon na kapareho ng PPD na ibinayas sa manggagawang napinsala. Binibigyan din ng 10 posiyento ang bawat isa sa limanag anak na menor de edad simula sa pinakabata at walang substitution. Ang ECP ay nagbibigay din ng medical services, appliances at supplies, rehabilitation service carer’s allowance at death and funeral beneifts kung sanhi ng kamatayan ng manggagawa ay dahil sa trabaho at hindi kasama sa excepting circumstances gaya ng kanyang kalasingan, ang kanyang kusang pagpinsala, pagpatay sa sarili o ang kanyang labis na kapabayaan. Sana ay nabigyan namin ng kasagutan ang mga katanungan mo. Para sa iba pang impormasyon tumawag sa ECC sa numerong 899-42-51 loc. 227 or 228 o bisitahin ang ECC website sa www.ecc.gov.ph.
Cecil Estorque Maulion
Chief, Information and Public Assistance
Division, ECC
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya. Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jbilog@bandera.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!