I-ground muna ang Cebu Pacific

KAILANGANG huwag munang paliparin ang mga eroplano ng Cebu Pacific Airways habang inimbestigahan ang pagsadsad ng isa sa mga eroplano nito sa Davao International Airport.

Ang desisyon na suspendihin ang paglipad ng mga eroplano ng Cebu Pacific ay nasa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ilang oras bago sumadsad ang eroplano ng Cebu Pacific, isa pang eroplano ng nasabing airline ang sumagasa sa mga landing lights sa Davao airport nang ito’y maglanding.

Ang binigay na dahilan ng mga piloto ng sumadsad na eroplano ay hindi raw nila makita ang landing lights.

Dalawang eroplano ang pumalpak sa isang araw, sa isang airport.
And what’s worse, hindi pa alam ng mga piloto at crew ng eroplanong sumadsad sa putikan ng Davao airport ang pagsasagawa ng emergency procedures o mahinahong pagbaba ng mga pasahero sa eroplano.

Matagal nakapag-react ang mga piloto at crew matapos ang aksidente.

Kailangang grounded muna ang mga eroplano ng Cebu Pacific Airways upang tingnan kung may depekto ang mga eroplano nito.
q q q

Kapag mababa ang suweldo na binibigay ng isang kompanya sa mga empleyado, maaaring maging tamad o kaya inefficient ang mga ito.

Baka naman maliit ang suweldo na binibigay ng management ng Cebu Pacific sa mga empleyado kaya’t malamya sila sa kanilang trabaho.

May pagkabarat kasi ang pamilya Gokongwei, ang may-ari ng Cebu Pacific.

Sa kakuriputan ng Cebu Pacific ay hindi gumagamit ng airbridge ang mga eroplano nito at hinahayaan na lang ang mga pasahero na umakyat sa eroplano at lumakad sa rampa patungong terminal building.

The passengers are inconvenienced in climbing the stairs and walking on the airport ramp because Cebu Pacific doesn’t want to pay P6,000 per hour for the use of the airbridge.

Wala silang pakialam sa comfort ng mga pasahero, basta sila’y nakatipid sa pagbayad ng airbridge.

Sa Singapore airport, kung saan lumilipad ang Cebu Pacific, isang pasaherong lumpo ang napi-litang maglakad dahil ayaw ng airline na magbayad para sa wheelchair.

Sa Hong Kong, kung saan meron din lipad ang Cebu Pacific, ayaw pasakayin ng crew ang isang pasahero na bitbit ang anak nitong may autism.

Kapag hindi babaguhin ng airline ang pagtrato nila sa mga pasahero, di magtatagal ay magsasara ito.

Matatauhan ang mga pasahero na tumatangkilik ng Cebu Pacific na walang pagmamahal ang pamunuan nito sa kanila at gagantihan nila ito ng boycott.
q q q

Oo nga’t budget airline ang Cebu Pacific dahil kumpara sa ibang airline, mababa ang si-nisingil nilang pasahe.

Pero aanhin ng mga pasahero ang mababang pasahe kung ang trato naman sa kanila ay parang hayop?

Dapat sigurong turuan ng riding public ang Cebu Pacific at huwag munang tangkilikin ito upang matuto ang airline na galangin ang kara-patan ng mga pasahero.

q q q
Akala ba ninyo na sa Maynila lang ang mga abusadong pulis?
Basahin ninyo ang sumusunod:

Si Vincent Bandigan, isang driver ng passenger van, ay nagmamaneho patungong Manay, Davao Oriental galing ng Davao City.

Habang tinatahak niya ang Limatoc Highway sa Mati City ay nabangga siya sa puwitan ng isang motorsiklo na minamaneho ni PO1 Jonathan Melgo.

Sa halip na humingi ng tawad ang pulis kay Bandigan ay siya pa ang galit.

Binunot ng pulis ang baril sa kanyang sling bag at itinutok ito sa pobreng driver.

Pinadapa si Bandigan ng pulis at habang siya’y nakadapa ay pinagsisipa siya nito.

Di pa nakontento, pinalo pa Melgo si Bandigan ng kanyang baril sa ulo na naging sanhi ng pagkasugat sa ulo at maraming dugong umagos.

Si Melgo, na miyembro ng Davao Oriental Provincial Police Office, ay hindi naka-uniporme ng mga panahong yun.

Read more...