Pagkanta ni Daniel sa Bb.Pilipinas sablay, inokray ng madlang pipol

DANIEL PADILLA

DANIEL PADILLA

SPEAKING of another Daniel, nasa kontrobersya uli ngayon ang King Of Hearts na si Daniel Padilla.

Matapos ngang pag-usapan ang diumano’y viral video nito habang niyuyugyog ang cherry blossom tree sa Japan, eto at may panibago na naman siyang isyu.

Pinipintasan at tinutuya ito ng mga beauty enthusiasts na nanood kamakailan ng Binibining Pilipinas Grand Coronation Night.

Kahit ang ilang singers noong araw ay naging very vocal sa kanilang social media posts hinggil sa “bara-barang style” ng pagharana ni DJ sa mga kandidata.

“Sintunado, wala sa tono, hindi pinag-aralan at walang puso,” ang ilan sa mga maaanghang na komento na narinig namin sa pagkanta ni Daniel sa pageant.

Mukha ngang kailangan ng matalino at sensitibong tagapayo ni Daniel. Aba’y kung hindi nito alam ang kasagraduhan ng cherry blossom tree sa mga taga-Japan, mukhang wala ring nagpapayo sa kanya pagdating sa pagkanta.

Isang bagay na nakakalungkot dahil ang nanay niyang si Karla Estrada ay magaling magbigay ng advice sa mga contestants ng Tawag Ng Tanghalan.

Read more...