Reunion serye nina Kim at Gerald di lang pampamilya, pang-sports pa | Bandera

Reunion serye nina Kim at Gerald di lang pampamilya, pang-sports pa

Ervin Santiago - May 03, 2017 - 12:15 AM

geraldkim jake coleen

AS expected, solid pa rin ang pagsuporta ng mga loyalistang KimErald fans kina Kim Chiu at Gerald Anderson matapos ang halos walong taong paghihintay para muli silang magkasama sa isang teleserye.

Bukod sa mataas na rating na nakuha ng pilot episode ng Ikaw Lang Ang Iibigin last Monday, nag-ingay din ito sa social media. Habang umeere ang unang episode ng serye ay wala ring tigil ang pagpo-post ng comments ng mga netizens na super na-miss ang tambalang KimErald kaya umani ng libo-libong tweets ang official hashtag ng serye ng #ILAIWorldPremiere.

Nakakuha rin ito ng national TV rating na 17%, kumpara sa katapat nitong programa na nakakuha ng 10.2%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Actually, napanood na namin ang pilot week ng ILAI sa ginanap na celebrity screening nito last Sunday sa Trinoma cinema 7 kung saan present ang apat na lead stars nitong sina Kim, Gerald, Jake Cuenca at Coleen Garcia with fiance Billy Crawford. Dumating din sina Gina Pareño, Elisse Joson, Mccoy de Leon at ilan lang members ng cast.

In fairness, unang episode pa lang ay talagang mahu-hook ka na sa kuwento ng buhay nina Bianca (Kim) at Gabriel (Gerald), pati na rin sa mga magiging kontrabidang sina Carlos (Jake) at Isabel (Coleen) na magkakaroon ng matinding koneksyon dahil sa sport na triathlon.

Parehong galing sa mahirap na pamilya sina Gabriel at Bianca, pinagtago sila sa isang lugar sa Zambales kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Sina Francine Diaz at Yogo Singh ang gumanap na batang Kim at Gerald na pinakilig din ang mga manonood sa kanilang “puppy love”.

Ngunit bigla silang magkakahiwalay matapos lumipat ng bahay ang pamilya ni Kim dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama na gagampanan ni Dominic Ochoa. Simula noon ay naputol na ang kanilang komunikasyon at nagkaroon ng kani-kanyang buhay.

Dito na rin malalaman ang masalimuot na nakaraan ng kanilang mga magulang. Sa pagsisimula ng serye, makikilala sina Bangs Garcia at Carla Humphries bilang mga batang Maila Salcedo at Victoria Quintana na sa pagtanda ay magiging sina Ayen Munji-Laurel at Bing Loyzaga.

Matalik na magkaibigan sina Maila at Victoria na parehong miyembro ng truck and field team ng Pilipinas, ngunit babalutin ng inggit si Victoria dahil si Maila ang napili para lumaban sa SEA Games. Ito ang magiging simula nang pagiging masama ni Victoria at madadamay pa ang masugid niyang manliligaw na si Rigor na gagampanan ni Edgar Allan Guzman(na magiging si Daniel Fernando naman paglaki).

Nangako si Victoria na sasagutin niya si Rigor kapag nagawan nito ng paraan na siya ang makasali sa SEA Games at matanggal si Maila. Natupad ang gusto niya matapos holdapin ni Rigor si Maila at pinagpapalo ang mga hita nito na naging sanhi ng kanyang pagiging baldado.

Nanalo si Maila sa SEA Games at naging maganda ang takbo ng kanyang career sa sports, ngunit mabubuntis siya ni Rigor kaya gagawa siya ng paraan para mawala ito sa landas niya. Nakulong si Rigor matapos ma-frame up sa kaso ng droga.

Mula naman noon hindi na nakatakbo si Maila kaya ang pangarap niyang maging track and field champion ay ipinasa niya sa anak na si Bianca. At sa paglaki nga ng anak ni Maila, magkukrus ang landas nila nina Gabriel, Carlos at Isabel, na siyang magiging simula ng magulo, masalimuot ngunit makulay at nakaka-in love nilang mga buhay.

Idagdag pa riyan ang mga sikretong itinatago ng kanilang mga magulang na isa-isang sasabog na parang bomba.

Ang Ikaw Lang Ang Iibigin ay sa direksyon nina Onat Diaz at Dan Villegas, at makakasama rin dito sina Gina Pareño, Dante Rivero, Michael de Mesa, Andrea Brillantes, Grae Fernandez at marami pang iba. Napapanood ang reunion serye nina Kim at Gerald bago mag-It’s Showtime.

q q q

Of course, tuwang-tuwa ang Dreamscape Entertainment at ang buong produksyon ng Ikaw Lang Ang Iibigin dahil sa mainit na pagtanggap uli ng mga manonood sa tambalang KimErald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi nga ni Kim sa isang panayam, “It’s seven years ago nang huli kaming magkasama ni Gerald sa TV and then it feels good to have this kind of project with this kind of theme para ipakita sa mga tao.

“So, excited kami to inspire a lot of people na gawin din ito. It’s not just a love story, parang sports and lifestyle na rin siya. Sana panoorin nila gabi-gabi kasi marami po talagang aral ito, sa family, sa sarili, sa love, sa kaibigan,” chika pa ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending