Hayden, Vicki handang-handa na sa bonggang kasalan sa Paris; pero ayaw nang magpa-presscon

HAYDEN KHO AT VICKI BELO

HAYDEN KHO AT VICKI BELO

AYAW magbigay ng anumang pahayag si Vicki Belo tungkol sa nalalapit na kasal nila ni Hayden Kho this year. For sure, may personal reasons ang sikat na beauty surgeon kung bakit ayaw niyang magbigay ng detalye about the wedding.

Paliwanag ni Dra. Vicki sa amin, “We decided not to give interviews. As you’ve noticed we’ve been lying low, no more presscons, no more interviews. We want to keep it private as much as possible.”

Syempre, ang unang gustong malaman ng maraming kababaihan especially the socialites at fashionistas ay kung kanino magpapagawa ng kanyang bonggang wedding gown niya si Dra. Vicki.

For sure, hindi bababa sa six figures ang worth ng gown na susuutin niya on her wedding date with Hayden. Magpapakabog ba naman siya sa wedding gown ng anak niyang si Crystalle Henares nu’ng ikinasal siya sa husband niyang si Justin Pitt last year?

At kung sa Lake Como, Italy ikinasal si Crystalle, sa Paris, France naman si Dra. Vicki.

Read more...