Kris bigla na namang nanahimik, naghahanda sa bagong pasabog

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

KUMBAGA sa tumatakbong sasakyan ay nagmenor si Kris Aquino sa kakatwang paghahatid nito ng blow-by-blow account ng kanyang Hollywood experience.

Kakatwa or strange dahil naumpisahan na niyang bulabugin ang kamalayan ng publiko on social media only to step on the brakes.

Interesado pa naman ang publiko sa kung ano na finally ang gagampanan niyang role sa “Crazy Rich Asians”, na kung hindi na nga bida ay nasa major cast pa rin. Bukod-tanging si Kris na lang kasi ang walang role assignment while the other cast members have already been named.

Disturbing para sa amin ang pananahimik ni Kris, this is not who she is or how she behaves regardless how big or small the news she gets dragged into at any given time.

O, sinasadya lang ni Kris na magpaka-mysterious to further arouse public curiosity?

Read more...