Ai Ai may mga pasabog ngayong National InaYaya Day

AI AI DELAS ALAS

AI AI DELAS ALAS

GANADO si Ai Ai delas Alas sa promotions ng handog niyang family comedy na “Our Mighty Yaya” ngayong Mother’s Day! Pinagpipistahan ang kaaliw-aliw na trailer ng pelikula sa social media na mahigit 1.5 million na ang views matapos itong ipost last week.

Maagang regalo ng Comedy Queen sa mga nanay, second nanay, yaya at iba pang nagsisilbing pangalawang ina ang pelikula sa May 10 dahil may advance celebration siya ng National InaYaya Day sa May 1.

Unang magtatanghal ng palabas si Ai Ai sa Star Mall-Alabang, 4 p.m. at makakasama niya rito ang teen actor na si Lukas Magallano, Alyson McBride, Jenny Arieta, Nico Nicolas at Banda ni Kleggy.

Pagdating ng 5 p.m., dadayo naman ang Reyna ng Komedya sa Ayala Malls-Southpark. Join din dito ang ilang cast ng Joey Reyes film.

Last Saturday, nagsagawa ng Palengke Tour si Ai sa Balintawak Market at Farmer’s Market. Nag-celebrate naman siya ng Sunday Family Day kahapon sa Trinoma at Fairview Terraces.

Malapit sa puso ni Ai Ai ang kuwento ng “Our Mighty Yaya” ng Regal Films dahil hindi lang ina ang role niya sa tatlong anak kungdi dumudobol din siya bilang yaya. Basta para sa mga anak, lahat ay kayang gawin ng isang Ai Ai delas Alas!

Read more...