Mas dumami pa ang bashers nina Iza Calzado at JK Labajo

iza calzado at jk labajo

WE wouldn’t be surprised kung madagdagan pa ng basher si JK Labajo as his Lucas character in A Love To Last made some eksena para hindi matuloy ang dinner nina Anton (Ian Veneracion) and Andeng (Bea Alonzo).

Alam ni Lucas na may dinner sina Anton at Andeng dahil 1st monthsary nila pero para bang sinasadya ni Lucas na magpaturo sa papa niya to delay him. Si Andeng naman ay nag-prepare ng kare-kare dahil alam niyang favorite ito ni Anton, pero parang nahuli na si Anton dahil pagdating nito sa apartment ni Andeng ay nalaman niyang may ginawa si Lucas.

With that ay na-badtrip na si Andeng. Dito na umiyak si Andeng at sinumbong ang ginawa ni Lucas. Pinuntahan ni Anton si Lucas kina Grace at pinagalitan niya ito.

Nag-usap sina Lucas at Anton nang one-on-one. Bilang pagbawi kay Andeng ay in-invite ni Anton ang dalaga sa kanyang yacht.

Before leaving the house ay kinausap ni Grace si Andeng at sinisisi siya sa lahat ng gulong nangyayari sa pamilya nila. Lumaban at sumagot si Andeng, pinalayas niya si Grace.

Naku, tiyak na maiimbiyerna na naman ang fans nina Anton at Andeng sa mag-inang Lucas at Grace. Tiyak na patututsadahan na naman nila ang mga ito sa social media.

Read more...