Pay rules sa Asean Summit day dapat sundin ng mga kumpanya | Bandera

Pay rules sa Asean Summit day dapat sundin ng mga kumpanya

Liza Soriano - April 28, 2017 - 12:10 AM

NAGPALABAS ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng labor advisory no. 4 series of 2017 o Payment of Wages for para sa Special Non-Working Day ngayong araw bunsod na rin ng pagiging host ng bansa sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) summit.

Idineklara ng Malacanang ang Abril 28 bilang non-working day subalit ang ilang empleyado ay kinakailangan pa rin na magtrabaho.

Layunin lamang ng pagpapalabas ng pay rules advisory na maging basehan ng mga workers at employer.

Ang Proclamation no. 197 ay ipinalabas ni Pangulong Duterte noong August 16, 2016 na nagdedeklara na ngayong araw ng Biyernes (April 28) bilang special non-working day.

Kung ang empleyado ay hindi papasok sa trabaho, nararapat lamang na i-apply ang “no-work, no- pay” principle, maliban na lamang kung may ipinaiiral na company policy o collective bargaining agreement (CBA) para bayaran ang mga empleyado sa special day.

Para sa magtatrabaho sa special day, may karagdagang 30% daily rate sa unang walong oras na trabaho [(Daily rate x 130%) + COLA];

Sa mga nagtrabaho naman nang mahigit walong oras (overtime work) may dagdag na 30% hourly rate Hourly rate of the basic daily wage x 130% x 130% x number of hours worked);

Kung nataon naman sa rest day ng isang empleyado ang special day at nagtrabaho may dagdag na 50% sa daily rate sa unang walong oras [(Daily rate x 150%) + COLA];

Kung lumampas naman sa 8 oras (overtime work) may dagdag na 30% hourly rate (Hourly rate of the basic daily wage x 150% x 130% x number of hours worked).

Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending