Horoscope, April 28, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Tandaang kapag buo ang tiwala mo sa iyong sarili, tuloy-tuloy kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, i-enjoy mo lang ang pakikipagrelasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 6, 13, 19, 27, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Upang mas lalo pang dumami ang oportunidad ng pagkakakitaan, iwasang magalit. Sa pag-ibig, ngayon na ang panahong upang magpakaligaya. Mahiwaga mong halaman: Primerose. Mapalad ang 3, 9, 28, 31, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Maroon at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Negosyong may kaugnayan sa prutas, tubig at likido ang dapat simulan. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang nais—piliin ang isang Capricorn. Mahiwaga mong halaman: Clover. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Limutin na ang nakaraan, sa buwan ng Mayo ay may darating na mas masarap at mas maligayang suyuan. Simulan ang negosyong noon mo pa naiisip – kalakal na may kaugnayan sa pagkain at sa modernong kumunikasyon. Mahiwaga mong halaman: Orchid. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jagat-Guro-Deva-Om.” Beige at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Bigyang aksyon ang anumang iniisip upang hindi ka mapagbibitangang puro pangarap ka lang. Sa pag-ibig, bawasan ang pagiging masyadong emosyonal. Mahiwaga mong halaman: Iris. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ipagpatuloy ang pakikilahok sa mga gawaing may kaugnayan sa lipunan. Sa pag-ibig, sa isang pagtitipon mami-meet ang true love. Mahiwaga mong halaman: Sunflower. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shari-Dosya-Om” Orange at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Tapusin na agad ang mga bagay na sinimulan upang tuloy-tuloy na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, tapusin na rin ang pakikipagrelasyon sa isang taong walang kuwenta, humanap ng isang Libra. Mahiwaga mong halaman: Jasmine. Mapalad ang 5, 8, 17, 23, 32, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Toshasi-Om.” Gray at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Hindi mo ba nahahalata, sinasamantala nila ang iyong kabaitan? Wag magtiwala kung kani-kanino. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagkatiwalaan – ang kasuyong Aquarius. Mahiwaga mong halaman: Aloevera. Mapalad ang 7, 16, 22, 25, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manno-Vanaspatir-Om.” Black at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pagpapakabait at pagpapakumbaba ay mas lalo kang uunlad at liligaya. Sa pag-ibig, alagaan ang pakikipagrelasyon sa isang Cancer. Mahiwaga mong halaman: Cactus. Mapalad ang 2, 17, 26, 35, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yena-Devasya-Om.” Green at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa bawat pagsubok nagkukubli ang malaking tagumpay. Wag susuko, walang dapat gawin kundi ang magpatuloy ng magpatuloy hanggang sa umunlad at lumigaya. Mahiwaga mong halaman: Palmera. Mapalad ang 1, 4, 13, 28, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aim-Avira-Virma-Om.” Pink at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ituloy mo lang ang ginagawang mga pagsisikap, malapit na malapit ka nang umunlad. Sa pag-ibig, wag hayaang lumayo ang kasuyong Taurus. Mahiwaga mong halaman: Bamboo. Mapalad ang 4, 17, 22, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nahme-Om-Naiva-Me.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kakaibang produktong na wala pang nakakaisip ang dapat simulan. Sa unique na negosyo ka yayaman. Sa pag-ibig, sa tabing-dagat ay may masarap na romansang maraanasan. Mahiwaga mong halaman: Rosemary. Mapalad ang 3, 17, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Lilac at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mamayang gabi sabihin sa sarili hanggang makatulugan, “Umuunlad at lalo pa akong yumayaman!” Gawain mo ‘yan gabi-gabi sa loob ng isang buwan, sa ganyang paraan kusa mangyayari sa iyo ang nasabing pag-unlad at pagyaman. Mahiwaga mong halaman: Waterlily. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Every day, in every way, I’m getting richer and richer!” Red at green ang buenas.

Read more...