Kampo ni Bong umaasa pa rin sa ‘Promise’ ni Duterte

BONG REVILLA AT LANI MERCADO

BONG REVILLA AT LANI MERCADO

SIMPLE pero puno ng pag-asa na ipinagdiwang ni Bacoor City Mayor Lani Mercado ang kanyang 50th birthday last April 13, Holy Thursday. Sunud-sunod ang activities para sa kanyang serbisyong-bayan sa Bacoor kahit noong Holy Week.

Hiling ni Mayora Lani sa kanyang kaarawan ay makalabas na ang asawa niyang si Sen. Bong Revilla. Bonggang birthday gift na raw para sa kanya sa taon na ‘to ang makalabas ang kanyang asawa and at the same, isa na rin itong hinaing para sa kanya.

Ayon sa malalapit na kaibigan ni Lani, magtatatlong taon nang nakakulong ang kanyang asawa sa isang bintang na hindi naman kayang patunayan prosecution dahil wala naman daw malakas na ebidensya laban kay Sen. Bong.

At tulad daw ng sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte before the election, “If the evidence against Sen. Bong Revilla Jr. is weak, he should be out on bail. And if I win, I will see to it that this process is hastened.”

E, nanalo si Digong kaya malamang hindi niya kalilimutan ang kanyang mga sinabi noon. Naniniwala ang mga malalapit sa dating senador na makakalabas na ng PNP Custodial Center ang mister ni Mayora Lani. Alam daw kasi ni PDigong ang batas dahil siya ay isang mahusay na abogado na naging piskal sa matagal na panahon.

Read more...