Magtatagumpay sa pagiging guro

Sulat mula kay Cristel ng Gumaok, San Jose Del Monte, Bulacan
Dear Sir Greenfield,

Nag-aaral po ako ng pagkaguro sa kasalukuyan, pero parang sa susunod na pasukan ay mahihinto ako dahil kapos na ang budget ng pamilya namin. Nawalan kasi ng trabaho ang tatay ko habang naglalabada lang ang nanay ko. Kaya sa ngayon ay nag-aaplay ako ng trabaho, kahit summer job lang, para kapag nakaipon ay maipagpatuloy ako sa pag-aaral ko. Gusto ko lang itanong kung may pag-asa kaya ako makatapos ng pag-aaral kahit na naghihirap na ang pamilya namin sa kasalukuyan. Anim po kasi kaming magkapatid at ako ang panganak. December 12, 1997 ang birthday ko.

Umaasa,
Cristel ng SJDM, Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Tuwid at sobrang linaw ng Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa kasalukuyan ay tiyak na mapapasok ka ng trabaho. Sa susunod na buwan ng Hunyo, tiyak ding tuloy-tuloy kang makapage-enrol bilang teacher. Tulad nang nasabi na, kapag tuwid at malinaw ang Fate Line na tinatawag din nating Career Line, walang duda, ang nasabing nagmamay ari ng ganyang Fate Line ay tuloy-tuloy na makakatapos ng pag-aaral hanggang sa isang maging successful sa kanyang career.
Cartomancy:
Ang Queen of Diamonds, Three of Diamonds at Ace of Clubs ay nagbabadya ng salapi na manggagaling buhat sa ibang bansa (Illustration 1.). Ibig sabihin, bago magpasukan o mag-enrolment sa June 2017, may malaking halaga ng salapi na darating sa inyong pamilya at kasama sa malaking halaga ng nasabing salapi ay para sa iyong pang-enroll.
Itutuloy

Read more...