Kim nagpakatotoo sa tunay na nararamdaman kay Gerald

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

NAGPAKATOTOO si Kim Chiu sa pag-amin na noong una ay hindi talaga sila okay ni Gerald Anderson.

“Siyempre, noong una, awkward talaga kasi hindi naman kami super friends nito, eh,” she said casually referring to Gerald during the presscon of Ikaw Lang Ang Iibigin.

She admitted na hanggang hi, hello lang sila kapag nagkikita sila sa ASAP.

“’Hi, kumusta? Okay naman. Babye.’ Tapos, ‘yung mga eksena namin chummy-chummy, ganyan-ganyan,” dagdag pa niya.

When she was offered Ikaw Lang Ang Iibigin, hindi na nagdalawang-isip si Kim, saying, “Hala, parang after ilang years, okay, sige gawin na natin ‘to.”

“Pero nakakatuwa na pareho kaming professional. Medyo awkward din sa mga tao na nakaharap namin lalo na noong una, kasi siyempre, alam naman nila ‘yung nangyari sa amin…yung ‘di masyadong ano… ‘di ba? ‘Di masyadong kagandahang mga ganap.”

But all is water under the bridge now as “Okay na ngayon. At least ngayon, natuto na kami, naging mas professional na kami. I’m very happy na ‘yung mga time na ‘yun, nangyari before pa, noong mga bata pa kami. At least ngayon, natuto na kami,” she said.

Read more...