Kim Rodriguez pwede nang tumodo sa pagpapaseksi

kim rodriguez

NAGBIBILAD na rin ng kanyang seksing katawan ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez, huh! Napanood namin siya sa Monday episode ng Destined To Be Yours na kakampi ni Thea Tolentino ang role.

Sa totoo lang, swak nang magpaseksi si Kim. Nagpasampol nga siya ng alindog niya sa kanyang Summer pictorial.

Noon pa man, hinuhubog nang maging nymphet si Kim. Nailunsad na nga siya sa programang mala-Blue Lagoon ang tema kapareha si Kristoffer Martin.

‘Yun nga lang, bigla siyang nanahimik pagkatapos ng nasabing serye. Kasabay nito ang paghihiwalay nila ni Kiko Estrada.

Ngayong materyales fuertes na ang dating niya, ilantad na niya nang todo ang kanyang kaseksihan para mas dumami pa ang lalaking maglalaway sa kanya.

May followers naman si Kim sa social media na nagre-request sa GMA na sana’y mabigyan ng challenging project ang dalaga dahil naniniwala sila na kayang-kaya nang makipagsabayan ni Kim kina Barbie Forteza, Bea Binene at iba pang prinsesa ng Kapuso network.

May nagsabi pa ngang fan ni Kim na bagay sa dalaga ang mga bida-kontrabida roles tulad ng ginagawa noon ni Jennylyn Mercado sa kanyang mga teleserye.

Read more...