CEBU CITY — HINDI lamang madyowa sina Supt. Maria Cristina Nobleza at ang miyembro ng Abu Sayyaf na si Renierlo Dongon.
Sila ay mag-asawa matapos ikasal sa isang seremonya ng Muslim maraming taon na ang nakakaraan, ayon kay Chief Supt. Noli Taliño, director ng PolicebRegional Office in Central Visayas (PRO-7).
“Dongon himself admitted that they are married. Superintendent Noblezavconverted to Islam so they could tie the knot,” sabi ni Taliño.
Dating kasal si Nobleza kay Supt. Allan Nobleza, isang policebattaché sa Pakistan. Noong 2010, na-annul ang kanilang kasal.
Sakay si Nobleza, isang matandang babae na si Judith at isang 13-anyos na batang lalaki ng itim na Nissan Navara pickup na minamaneho ni Dongon nang sila ay hulihin matapos hindi huminto sa isang checkpoint sa bayan ng Clarin sa Bohol noong Sabado ng gabi.
Kabilang sa mga nakumpsika sa loob ng sasakyan nina Nobleza at Dongon ay mga bote ng energy
drink, mga delata, diving gear, goggles, biscuit, kahon-kahon ng tsokolate, mga underwear na panlalaki, mga T-shirt, mga short para sa lalaki at mga medical kit.
Idinagdag ni Taliño na inamin ni d Nobleza, deputy chief ng PNP Crime Laboratory sa
Davao City, na plano sana nilang ideliber ang mga gamot sa nalalabing Abu Sayyaf na hindi makalabas ng Clarin, Bohol.
Itinanggi naman ni Nobleza na tatangkain sana nilang i-rescue ang mga bandido, ayon pa Taliño.
“Accordingly, their plan was allegedly just to throw the medicines,” sabi pa ni Taliño.
Kinasuhan si Nobleza sa Bohol Provincial Prosecutor’s Office ng illegal possession of firearms, resistance at disobedience to agents of persons in authority, at harboring of a criminal.
Samantala, kinasuhan si Dongon at Judith resistance at disobedience to agent of persons in authority.
Nakadetine na sina Nobleza at Dongon sa Camp Crame samantalang nananatili ang matandang babae sa kustodiya ng Bohol Provincial.
Ibinigay naman ang batang lalaki sa Department of Social Welfare and Development.
Idinagdag ni Taliño na kakasuhan din sina Nobleza at Dongon ng possession of explosives, na walang piyansa.
Noong Lunes ng gabi, narekober sa bahay ni Nobleza sa Bukidnon ang mga bahagi ng bomba.
MOST READ
LATEST STORIES