Bagyong Dante pumasok na

    pagasa
Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Dante.
    Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration lumakas din ang bagyo pero hindi ito inaasahang daraan sa kalupaan.
    Kahapon ang bagyo ay nasa layong 1,170 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
    May hangin itong umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pabugsong 80 kilometro bawat oras. Umuusad ito ng 11 kilometro pahilagang kanluran.
      Ngayon ang bagyo ay inaasahang nasa layong 1,165 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora at sa Biyernes 1,445 kilometers sa silangan ng Aparri, Cagayan.
    Sa Biyernes din inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo kung hindi magbabago ang tinatahak nitong direksyon.

Read more...