LUTANG pa rin ang isipan ng director na si Carlo Francisco Manatad nang ipa-interview siya ni Atty. Joji Alonso sa ilang press kahapon. Si Carlo kasi ang gumawa ng short film na “Jodilerks dela Cruz, Employee of the Month” na isa 10 entries na napili in competition sa International Critics Week section ng Cannes Film Festival sa May 18-26, 2017.
Ang nagawa niyang shorts films gaya ng “Junilyn”, “Sandra”, “Fatima Marie Torres And The Invasion of Space Shuttle Pinas 25” ay na-screen sa maraming international filmfests tulad ng sa Cannes, Locarno, Clemont-Ferrand, Uppsala, Winterthur at Busan.
Isa rin siyang award-winning editor ng ilang Chito Roño films gaya ng “Badil”, “Feng Shui”, “Pamilya Ordinaryo”, “I’m Drunk I Love You” at marami pang iba.
Ginagawa ni Carlo ngayon ang first full length film na “A Wrong Season (Diri Maupay na Panahon)” tungkol sa bagyong Yolanda na sumira ng hometown niyang Tacloban.
Out of 1,700 films, 10 ang kinuhang ipalalabas. “But we were the only Asian film for that competition. Kiniling ako nang mapili. Parang hindi talaga ako makapaniwala,” saad ni Carlo.
Magiging automatic na magiging bahagi ng film lab ang movie niya sa Cannes. Tutulungan sila at iwo-workshop para sa paggawa ng kanyang full length film.
“Very competitive ‘yung pagpasok sa lab pero pag nakapasok ka roon, ang laki ng tulong,” rason ng director.
Bida sa kanyang short film sina Angeli Bayani at Ross Pesigan. Mula ito sa Plan C, AAND at Quantum Films.